Genre not found
Artist not found
Album not found
Song not found

Burnout
Sugarfree Lyrics


O wag kang tumingin
Nang ganyan sa 'kin
Wag mo akong kulitin
Wag mo akong tanungin

Dahil katulad mo
Ako rin ay nagbago
Di na tayo katulad ng dati
Kay bilis ng sandali

O kay tagal din kitang minahal
O kay tagal din kitang minahal

Kung iisipin mo
'Di naman dati ganito
Teka muna teka lang
Kailan tayo nailang

Kung iisipin mo
'Di naman dati ganito
Kay bilis kasi ng buhay
Pati tayo natangay

O kay tagal din kitang minahal
O kay tagal din kitang minahal oh

Tinatawag kita
Sinusuyo kita
'Di mo man marinig
'Di mo man madama

O kay tagal din kitang mamahalin
O kay tagal din kitang mamahalin
O mamahalin (o kay tagal din kitang mamahalin)
O mamahalin mamahalin (o kay tagal din kitang mamahalin)

Lyrics © O/B/O APRA AMCOS

Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
To comment on specific lyrics, highlight them
Comments from YouTube:

Pumbaa

Kwento ko lang para kasing naging theme song ito ng buhay ko noong college., meron akong classmate sa FEU morayta noon (2002), hindi kami masyado nagpapansinan sa klase pero lagi ko sya katext saka kausap, as in gabi-gabi, naka SUN cell unlimited kami parehas. Nakwento ko na ata lahat ng dapat ko ikwento alam ko ganun din sya sakin. Pakiramdam ko may gusto na ako sa kanya, at sya rin dahil paggising hanggang pagtulog magkatext kami. Sobrang torpe ko noon hindi ko talaga sya kinakausap hanggang sa isang beses nagkasabay kami kumain sa jollibee, tumabi sya sakin. Ang tagal naming nag-usap, pero patapos na ang semester noon less than a week na lang. Yung huling tatlong araw na yun kasabay ko sya kumain, kasama ko sya maghapon, hiniram ko muna sya sa mga best friend nya na usually kasama nya, hinatid ko din sya araw-araw sa bahay nila malapit sa may Bambang. Yung 3 araw na yun marahil ang pinakamasayang araw ng college life ko dahil wala naman akong naging girlfiend dati. Hindi kami naging formally mag-on pero parang ganun na nga. Pagtapos noong sem, umuwi ako ng probinsya medyo doon nagbago ang ihip ng hangin. Hanggang sa sumunod na school year di na kami magkaklase, unti-unti di na kami nagkakausap tapos sa school di na sabay ung pasok namin kaya bihira magkita, in short nagkalamigan na. Pagkatapos noon parang stranghero na talaga ulit. Hanggang sa before graduation namin nagkasalubong kami sa SM Manila, wala syang kasama, ako din mag-isa, nagkalakas ako ng loob yayain sya kumain, at pumayag naman sya. Medyo confident na ako that time pero wala na din naman akong nararamdaman, nacurious lang ako at tinanong ko siya kung bang niligawan ko sya noong 1st yr kami e sasagutin nya ako. Hindi nya sinagot ng rekta pero eto ang sabi nya sakin...... "Hayaan na lang nating walang kasagutan yang tanong mo, basta masaya ako noon at siguro masaya ka din naman, yun ang mahalaga." After mga 3 yrs bumalik ulit sya saking isipan. Gusto ko siya makita, makausap at ligawan sana. Medyo malakas na talaga loob ko dahil may work na ako at kotse. Sinusubukan ko tawagan ung number nya pero wala ng sumasagot. Mahirap pang mangstalk noon dahil wala pang Facebook, friendster pa lang tapos di pa masyado updated. Then pinuntahan ko ung bahay nila sa Bambang, andun ung nanay nya, nagpanggap akong best friend nya na napadaan sa lugar kaya dumadalaw. Ang balita nya sa akin, nag migrate na sa UK kasama ng asawa at may anak na. SYET! yun lang po.

Elvinson Santos

thats krayzii dude, ngaun nasa tamaang edad na tayo at nasa totoong phase na ng adulting, minsan maluluha ka nlang habang naalala mo ang HS life to College life mo na happy go lucky lang,

jhay idpalina

Hirap din Kasi ni tadhana ayaw talaga maging kayo sa huli kahit ansaya nyo nung una. Hays at least bro happy ka pa din

ASIO, MARY ANTOINETTE

ang sakit naman no'n, ser 🥲

Gian Mendoza

Pang mahiwagang Burnay ang kwento mo tol.

hey I'm Joey

Sana hindi ka naging torpre brad...minsan nid mo rin gawin ang bagay na ayun sa gusto mo...wag ka umasa sa tadhana..na ilalapit kayo...May mga chances Kana para maging kayo pero inunahan ka nang kaba.....hindi talaga siya para sayo

58 More Replies...

au s.

this song hits hard when you realize that both of you were too afraid to communicate what went wrong with your relationship or friendship </3

Dankr-io

damn

Jon Joni

This was on loop on my cd player when I was in high school. I miss this era when songs are produced with substance.

Oliver Gomez

Ang galing talaga ng tugtugan mo Ebe, masayang musika pero malungkot ang lyrics. Cant wait sa pagbabalik nyo ng Sugarfree. I heard lumabas na sa Jam 88.3 ang bago nyong single!🥰🤘🏽👌🏽

More Comments

More Videos