Pito Ni Juan
Apo Hiking Society Lyrics


Bata pa lang si Juan marami na siyang alam
Mahusay magbilang lamang sa paaralan
Sa maraming bagay may kahusayan si Juan
Talagang mahusay si Juan

Pitong taong gulang pa lang
Marunong nang pumito si Juan
Pitong taong gulang pa lang
Mga babae'y pinipituhan
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito pipito-pito
Pipito-pito si Juan

Lumipas ang ilang taon lumawak ang karanasan
Matipuno at may dating si Juan naging crush ng bayan
Bawat natitipuhan siya'y pinapatulan
Basta't nasisipulan sila ni Juan

Labimpitong taong gulang
Makamandag ang pito ni Juan
Labimpitong taong gulang
Mga babae'y pinipituhan

Pipito-pito si Juan
Pipito-pito si Juan
Pipito-pito pipito-pito
Pipito-pito si Juan

At nang malaunan nagkaroon ng anak si Juan
Pito ang isinilang sa bawat inang alam
Pito ang asawa na hindi man lang pinakasalan
Hindi talaga maawat si Juan

Pitong bahay ang inuuwian
Naubos ang pinaghirapan
Hiningal hinika si Juan
Pitong ipin na lang naiwan

Humina ang pagpito ni Juan
Humina ang fagfito ni Juan
Fifito-fito fifito-fito
Fifito-fito si Juan

Pitong put pitong taon pito-pito ang iniinom
Ngunit 'di makatulong sa tuhod ni lolo Juan
Pitong talampakan ang lalim ng libingan
At pitong sepulturero na walang pakialam

Yumao siyang nag-iisa
Iniwanan ng buong angkan
Naiwan lang ay pustiso
Sa basong kinalalagyan

'Di na pumipito si Juan
'Di na makapito si Juan
'Di na pumipito 'di na makapito
'Di na pumipito si Juan

Lyrics © O/B/O APRA AMCOS

Lyrics Licensed & Provided by LyricFind
To comment on specific lyrics, highlight them
Genre not found
Artist not found
Album not found
Song not found